CENTENARIAN SA BAYAN NG MANAOAG, ANO NGA BA ANG SEKRETO SA MAHABANG BUHAY?

Umaabot ng hanggang edad 76 sa mga kababaihan at 70 anyos naman sa kalalakihan ang human life expectancy, ayon sa ilang pag-aaral.

Kaya naman mapalad at lubos na pinagpala ang mga taong nahihigitan pa ang edad na ito lalo na ang mga umaabot pa sa 100 taong gulang.

Dito sa bansa, bilang pagkilala sa mga centenarian ay nabibigyan ng cash gift na nagkakahalaga ng P100,000 ang mga edad 100 at higit pa sa bisa ng Republic Act 10868 o ang Centenarian Act of 2016.

Sa bayan ng Manaoag, isang centenarian ang kinilala at binigyan ng cash incentive na ito sa pangunguna ng alkalde ng lokal na pamahalaan at ng Municipal Social Welfare and Development Office.

Laking pasasalamat ng centenarian na si nanay Aurora Soriano tubong Poblacion, Manaoag nang matanggap na nito ang kaniyang cash incentive sa pagdiriwang niya ng kaniyang ika-100 kaarawan.

Subalit nang tanungin umano siya ng alkalde ng bayan kung ano ang sekreto nito sa pagkakaroon ng mahabang buhay, ang tanging tugon ni nanay ay: “secret!”.

Ano man ang sekreto ng bawat isa sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan, isa lamang ang dapat nating tandaan: Ang patuloy na mamuhay nang naka sentro sa Panginoon ang ating paniniwala. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments