Ngayon pa lamang ay puspusan na ang paghahandang isinasagawa ng lokal na pamahalaan ng Manaoag para sa pagdiriwang ng Centennial Anniversary of the Pontifical Coronation of Our Lady of Manaoag sa susunod na taon.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Manaoag Mayor Jeremy Rosario, mayroong nang mga isinasagawang pagtitipon at talakayin ng mga kawani ng gobyerno upang paghandaan at naturang selebrasyon.
Nauna nang pinasinayaan nitong ika-7 ng Mayo sa naganap na Coronation Feast sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag ang bagong seal ng coat of arms ng Basilica bilang paghahanda sa itinuturing na pinakamalaking kaganapan sa bayan.
Magaganap ang centennial coronation ceremony sa darating na April 22, 2026.
Samantala, nanindigan ang alkalde sa pagpapanatili ng kabanalan ng pilgrimage town kasunod na rin ng agarang aksyon ukol sa mahigpit na pagtutok sa mga bars sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









