CENTENNIAL MOM NA MULA SA DAGUPAN CITY, KILALANIN

Kasabay ng nalalapit na Mother’s Day bigyang pagkilala natin ang isang Centennial Mom na si Nanay Corazon Villafania Coquia.
Nanay na hinding hindi napapagod intindihin, alagaan at mahalin ka.
Si Nanay Corazon ay ipinanganak sa Brgy. Tebeng, Dagupan City taong 1923 kung kaya’t siya ay pormal na ginawaran ng Centenarian Award ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City, katuwang ang DSWD Regional Office, CSWD Dagupan, at ng OSCA.

Bilang pagkilala, pinagkalooban si Nanay ng 100,000 Centenarian cash incentive ng DSWD at 20,000 cash assistance mula naman sa LGU. Labis-labis ang kanyang pasasalamat sa natanggap dahil malaking tulong ito bilang pandagdag sa gastusin.
Mula sa iFM Dagupan, binabati namin si Nanay Corazon ng isang Maligayang ika-100 na kaarawan at advance Happy Mother’s Day! |ifmnews
Facebook Comments