Isinailalim na ng OCTA Research Group sa areas of concern ang Central Luzon dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sa interview ng RMN Manila, inihayag ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na nasa critical level na ang hospital utilization partikular ang mga ICU bed sa Bulacan, Pampanga, Bataan, Nueva Ecija at Tarlac.
Kabilang sa inilagay ng OCTA sa areas of concern ang mga bayan ng Santa Maria, Meycauayan at San Jose del Monte sa Bulacan, San Fernando at Olongapo sa Pampanga, Cabanatuan City sa Nueva Ecija, Tarlac City sa Tarlac at Balanga sa Bataan.
Una nang naglabas kahapon ang OCTA ng 20-lugar sa bansa na may mataas na kaso ng COVID-19 kung saan nangunguna pa rin dito ang Metro Manila, na sinundan ng Cavite, Laguna, Cebu at Pampanga.