Central office at tanggapan ng LTFRB sa NCR, sarado simula ngayong araw hanggang March 31

76

Pansamantalang isinara ngayong araw ang tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa National Capital Region (NCR).

Magtatagal hanggang Marso 31 ang pansamatalang pagsasara ng tanggapan ng ahensya bilang pagtalima sa Inter-Agency Task Force (IATF) memorandum na nag-aatas na tanging Authorized Person Outside of Residence (APOR) ang mga maaaring lumabas ng kanilang bahay.

Bagama’t magkakaron pa rin ng skeletal workforce, walang magiging transaksyon sa mga nabanggit na petsa.


Habang pansamantalang sarado, isasabay naman ang masusing disinfection sa naturang tanggapan upang matiyak ang public health safety ng publiko at mga empleyado ng ahensya.

Facebook Comments