Central Office ng Civil Service Commission, nananatiling sarado hanggang bukas

39

Mananatiling sarado hanggang bukas (July 31, 2020) ang main office ng Civil Service Commission (CSC) matapos na makumpirmang may apat sa kanilang mga empleyado ang nagpositibo sa COVID-19.


Ayon kay CSC Chairperson Alicia dela Rosa-Bala, nakalagay na sa self-isolation ang mga opisyal at empleyado habang hinihintay pa ang resulta ng kanilang COVID-19 test.

Sa ngayon, ipagpapatuloy na rin ng Central Office ang disinfection at contact tracing activities habang maaari namang makipag-transaksyon sa pamamagitan ng kanilang website.

July 15, 2020 nang unang pansamantalang itinigil ang operasyon ng ahensiya.

Facebook Comments