Nasa third wave na ng COVID-19 pandemic ang Central Visayas.
Ayon kay Department of Health – Regional Epidemiology and Surveillance Unity (DOH-RESU) chief Dr. Eugenia Mercedes Caña, sa nakalipas na apat na linggo ay nakitaan nila ng upward trend ng COVID-19 cases hindi lamang ang Cebu City kundi ang buong Central Visayas.
Ito ay dahil aniya sa pagkalat ng mga mas nakakahawang variants ng coronavirus.
Itinuturo rin niyang dahilan ang hindi tamang pagsunod ng mga tao sa public health measures lalo na sa mga pagtitipon gaya ng kasal, fiesta at birthday celebrations.
Pero pagtitiyak ni Caña, mas mabuti ang sitwasyon nila ngayon kumpara noong second wave ng pandemya sa noong Pebrero at Marso.
Facebook Comments