Manila,Philippines – Isinulong ni Senador Panfilo Ping Lacson ang pagtatayo ng isang departamento o ahensya ng gobyerno na tututok sa lahat ng uri ng kalamidad sa bansa.
Ang pahayag ay ginawa ni Lacson matapos ang ginawang pagdinig ng Congressional Oversight on the Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.
Tinukoy ni Lacson, ang sinabi sa hearing ng Office of the Civil Defense na hindi dapat panghinayangan ang pondo na gagamitin sa pagtatayo ng nasabing ahensya.
Katwiran ni Lacson, mahalaga ito para sa Pilipinas na palaging dumaranas ng mga kalamidad tulad ng bagyo, matinding pagbaha, pag-aalburoto ng bulkan at iba pa.
Ipinaliwanag pa ni Lacson, na sa ngayon kasi ay puro meeting at paglalatag ng plano pero walang ahensya na titiyak ng implementasyon sa mga nabuong aksyon kaugnay sa kalamidad.
<#m_6034105663349714927_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>