
Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng CEO ng Angkas na si George Royeca.
Magugunita na nag-viral ang video noong Pebrero 2, 2025 sa paglikha ng matinding trapiko sa Cainta, Rizal dahil sa convoy ng ilang Angkas riders sa isang intersection sa Cainta.
Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza na pinatawan nila ng 90 day suspension ang lisensya ni Royeca matapos nitong aminin na sila ang nag-organize ng Angkas riders at akuin ang ang idinulot nito sa pagkahinto ng traffic sa Cainta.
Sa ngayon, pansamantalang hindi na muna makakapagmaneho si Royeca pero pwede pa itong umapela.
Iniimbistigahan din ng LTO ang ilan pang Angkas riders upang matukoy ang eksaktong naging partisipasyon ng mga ito sa insidente.
Facebook Comments