Nakatakdang maghain ng petisyon para sa manual recount ang natalong si Taguig City Mayoral candidate Arnel Cerafica matapos maiproklama bilang alkalde ng lungsod si Lino Cayetano.
Giit ni Cerafica, malawakang pandaraya ang halalan sa Taguig dahil nakita umano sa mga resibo na kahit ang kanyang slate ang iboto ay pangalan ng mga Cayetano ang lumalabas.
Aniya, may nangyaring sabwatan ang Commission on Elections (Comelec) at ang mga Cayetano.
Batay sa election result, nakakuha lamang si Cerafica ng 111,125 votes laban sa 174,906 votes na nakuha ni Cayetano.
Facebook Comments