CEREMONIAL LAUNCHING NG eLGU, ISINAGAWA SA LUNGSOD NG CAUAYAN

Cauayan City – Naging matagumpay ang isinagawang Ceremonial Launching ng eLGU sa lungsod ng Cauayan kahapon, ika-27 ng Agosto, sa Bamboo Hall, Cauayan City.

Dumalo sa nabanggit na programa sina Cauayan City Mayor Hon.. Caesar “Jaycee” Dy Jr., kasama sina DICT Undersecretary for E-Government USEC David L. Almirol Jr., DICT Regional Director Engr. Pinky T. Jimenez, DICT R2 Technical Operations Division Chief Engr. Magdalena D. Gomez, mga kawani ng iba pang ahensya, sektor, at City Officials sa lungsod ng Cauayan.

Sentro sa nabanggit na seremonya ang paglulunsad ng eLGU sa lungsod ng Cauayan, kung saan ipinakilala kung paano nito mas mapapadali ang pagpo-proseso ng mga kinakailangang dokumento ng mga Cauayeño sa pamamagitan ng digitalization.


Ayon kay DICT eGOV Undersecretary David Almirol, layunin ng eLGU na maresolba ang magastos, mabagal, at mahabang oras ng pagpo-proseso ng mga dokumento sa iba’t-ibang mga ahensya at sektor ng gobyerno maging sa mga Non-Government Agencies (NGA).

Ayon kay Mayor Jaycee Dy, magagamit nila ang pagiging bihasa ng mga Sangguniang Kabataan Officials mula sa lungsod ng Cauayan pagdating sa teknolohiya upang mas maipakilala ang serbisyong dala ng eLGU sa mga residente sa kani-kanilang barangay dito sa lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments