Ceremonial vaccination laban sa COVID- 19, umarangkada na sa Malabon City

Photo Courtesy: Ospital ng Malabon

Hinikayat ni Malabon City Mayor Lenlen Oreta ang kanyang mga nasasakupang frontliners na magtiwala lamang sa available na bakuna na Sinovac na galing sa China.

Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Oreta makaraang umarangkada na kaninang umaga ang ceremonial vaccination sa mga frontliner at health worker ng Ospital ng Malabon.

Sa kanyang opening remarks, nagpapasalamat si Malabon City Mayor Lenlen Oreta sa tiwala ng mga health worker sa kasalukuyang bakuna, kung saan marami umano ang nagpahayag ng kanilang pagnanais na mababakunahan.


Nagbigay rin ng solidarity message si Dr. Corazon Flores, M.P.H, CESO IV ng Department of Health-NCR kung saan pinatutunayan nito na walang dapat na ikabahala o ipangamba ang mga frontliners at health workers sa Sinovac dahil mismo ang mga matataas na opisyal ng Ospital ng Malabon ang nanguna sa pagpapaturok ng naturang bakuna.

Matapos ang talumpati ni Mayor Oreta ,sinundan ng ceremonial vaccination kung saan unang nabakunahan ay si Dr. Mitzi Tanchoco ng Ospital ng Malabon at pagkatapos sinundan na ng mga frontliner at health worker ng Ospital ng Malabon .

Facebook Comments