Ceres Negros FC vs. Singapore Home United bukas sa Bacolod

Bacolod City – Nakahanda na ang Ceres-Negros Football Club para sa 2017 AFC Cup ASEAN Zonal Final laban sa Home United ng Singapore sa Panaad Park and Stadium bukas ng gabi.

Ayon kay Ceres head coach Risto Vidakovic na kailangan nilang maka-convert ng goal para makapasok sa inter-zonal semi finals.

Dagdag pa ng Spanish coach nga makakatulong sa team ang home crowd support dahil wala pa talo aniya ang Ceres sa kanilang mga laban sa AFC at PFL sa Panaad Park.


Sa 1st leg, tinalo ng Home United ang Ceres-Negros sa Singapore sa score na 2-1.

Samantala, halos sold out na ang lahat ng mga complimentary tickets kung kaya inaasahan ng Ceres-Negros FC na mapupuno ang Panaad Stadium bukas./RMN Sports

Facebook Comments