"CERESA MINA" | Isang babae, napaanak habang sakay ng isang bus sa Negros

Negros Occidental – Ligtas na ang isang babae at kaniyang sanggol matapos mapaanak habang nakasakay sa bus sa Victorias, Negros Occidental.

Kasama ang isa pang anak, papunta na sana sa ospital ang 27-anyos na si Vilma Salondro pero habang bumibiyahe, hindi na niya kinaya ang sakit ng kaniyang tiyan.

Agad pinahiga si Salondro ng dalawang babaeng pasahero sa upuan ng bus at tinulungan itong manganak.


Pinangalanan ni Salondro na Ceresa Mina ang kaniyang bagong silang na anak, na hango sa Ceres Bus na sinakyan niya noong nanganak siya.

Facebook Comments