Certificate ng PDP-Laban bilang political party, posibleng makansela kung magpapatuloy ang iringan

Posibleng makansela ang certificate ng pagiging political party ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) kung hindi maaayos sa lalong madaling panahon ang gusot sa liderato ng partido.

Sa interview ng RMN Manila kay Atty. Romulo Macalintal, isang election lawyer, sinabi nito na kailangan nang magsumite ng partido ng impormasyon ng kanilang political party kasama ang mga listahan ng mga miyembro nito.

Ito ay hanggang sa itinakdang deadline ng Commission on Election (Comelec) sa August 15.


Sa ngayon, hindi pa malinaw kung sino ang magsusumite nito lalo’t nahahati pa sa paksyon ni Senator Manny Pacquiao at Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi ang partido.

Facebook Comments