May paparating ngayon araw na Certificate of Analysis (COA) para sa mga COVID-19 vaccines na una nang dumating sa bansa.
Ito ang kinumpirma sa interview ng RMN Manila ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III matapos na magkagulo sa lungsod ng Parañaque, Maynila, Pasig at Taguig kasunod ng pagkaantala ng pagbabakuna dahil sa kawalan ng COA.
Ipinaliwanag ni Duque na kadalasang nahuhuli nang isang linggo ang Certificate of Analysis mula sa mga manufacturer ng bakuna.
Pero, ginagawan na nila ito ng paraan.
Pagdidiin ni Duque, hindi maaaring iturok ang COVID-19 vaccine na walang Certificate of Analysis dahil lahat ng mga ito ay nasa ilalim pa lang ng Emergency Use Authorization (EUA) at nasa phase 4 clinical trial pa lang.
Facebook Comments