Certificate renewal ng OFWs, maaari nang gawin sa online kahit nasa abroad sila – TESDA

Inanunsyo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na maari nang makapag-renew online ng National Certificates (NC) at Certificates of Competency (CoC) ang Overseas Filipino Workers (OFWs) habang sila ay nasa abroad.

Ayon sa TESDA, ang dapat lang gawin ng OFWs ay mag-email sa co.cad@tesda.gov.ph para maiproseso ng TESDA Certification Office.

Kailangan ding ihanda ang mga requirements na kanilang isusumite sa TESDA para sa renewal ng certification.


Ayon sa TESDA, ang nasabing teknolohiya ay magreresulta sa mas magandang mga oportunindad para sa Pinoy workforce.

Facebook Comments