CERTIFIED ZERO OPEN DEFECATION SA LAHAT NG 31 BARANGAYS, TARGET NG LGU DAGUPAN

Patuloy na tinututukan ng local na pamahalaan ng Dagupan ang adhikaing malabanan ang sakit mula sa mga kontaminadong tubig at maruming kapaligiran.
Alinsunod ito sa target na Certified Zero Open Defecation sa lahat ng tatlumpu’t-isang (31) barangay kung saan planong makapagpatayo ng kani-kanilang sariling sanitary toilet o banyo.
Layon nitong maiwasan ang sakit, maging gawing accessible para sa mga Dagupenos ang pagkakaroon ng malinis na palikuran.
Isinusulong na rin nito ang malinis na kapaligiran at pagtataguyod sa mabuting kalusugan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments