CERVICAL CANCER SCREENING, ISINAGAWA SA BJMP TUGUEGARAO

CAUAYAN CITY – Upang makapagbigay ng kaalaman tungkol sa cervical cancer sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na babae, naglunsad ng “KALUSUGAN PANGKABABAIHAN CARAVAN: Cervical Cancer Screening” ang Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD) sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Tuguegarao City Jail- Female Dormitory katuwang ang City Health Office (CHO).

Bago ang screening ay binigyang diin ni Ms. Clarissa Pagulayan, program manager ng Chronic NCD and Cancer programs, ang mga risks ng pagkakaroon ng cervical diseases at cancer, at kung ano ang mga dapat malaman tungkol dito.

Ang cervical screening ay isinagawa ng CHO habang ang urinalysis, complete blood count, at blood sugar ay ginawa ng CVCHD laboratory.


Patuloy namang maglulunsad ng kalusugan pangkababaihang caravan ang CHO at CVCHD para sa mga PDL’s upang sa gayon ay mapigilan at maiwasan nila ang mga ganitong uri ng sakit.

Facebook Comments