Cesar Montano gaganap bilang KAPA Ministry founder sa pelikula

3742
Image via Instagram/Cesar Montano

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagganap ni Cesar Montano bilang Pastor Joel Apolinario, founder ng Kapa Community Ministry.

Bago pa lumabas ang isyu tungkol sa religious group, sinimulan na ang shooting ng life story ni Apolinario.


Si Empress Shuck ang gaganap na Reyna, asawa ni Apolinario.

Ayon sa mga lumalabas na ulat, mahigit P50 billion ang budget para sa pelikula at manggagaling mismo sa pondo ng Kapa.

Nitong Hunyo 12, ipinost ni Padaba Ef sa Youtube ang teaser ng life story ng ‘controversial’ pastor.

Base sa pitong minutong teaser, ang pamagat ng pelikula ay “Dream” at ito ay prinoduce ng GWARD Inc. at Independent Dream Entertainment Arts.

Mapapanood rin ang pag-angat ni Apolinario sa pagkakalugmok – namatay ang ina, nalulong ang tatay sa alak, at nahiwalay sa mga kapatid. First love ng pastor ang nagtulak sa kanyang sumali sa Seventh Day Adventist at dito siya tinuruan maging ministro.

Sa ngayon, hindi pa inaanunsyo kung ipapalabas pa ito sa mga sinehan.

Kamakailan, inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang KAPA dahil gumagamit umano’y ito ng Ponzi Scheme para himukin ang publikong sumapi sa kanilang religious organization.

Facebook Comments

From Advertisers