CEZA, hindi dapat maapektuhan ng POGO ban

Hindi dapat maapektuhan ng kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong“ Marcos Jr. na nagbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang operasyon ng CEZA o Cagayan Economic Zone Authority.

Sinabi ito ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Juan Ponce Enrile at kaniyang anak na si Katrina Ponce Enrile na siyang Chief Executive officer ng CEZA sa kanilang pagharap sa pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety ukol sa mga krimen at iligal na aktibidad na may kaugnayan sa POGO.

Paliwanag ng mag-amang Enrile, ang CEZA, kasama ang mga pinapatakbo nitong interactive gaming operators ay legal at nakakabuti sa bansa dahil bukod sa nagbibigay ng kabuhayan ay nakakatulong din sa pambansang seguridad.


Sa hearing ay tiniyak naman ni Katrina Ponce Enrile na walang POGO sa Cagayan.

Sa panayam kay Enrile, ay sinabi nito na mali ang payo noon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na pahintulutan ang POGO sa Pilipinas kahit ito ay ipinagbabawal na sa ibang mga bansa.

Facebook Comments