Pormal na itatalaga bilang bagong Western Mindanao Commander si out going 6th ID Commander Lt. General Arnel Dela Vega sa May 23.
Ito ang ipinarating na impormasyon sa DXMY ni 6th ID CMO Chief Army Lt. Col Gerry Besana .
Inaasahang pamumunuan ni Lt. General Dela Vega ang binakanteng posisyon ng ngayoy AFP Chief of Staff General Carlito Galvez Jr.
Nakatakda ring sasaksihan ng mga matataas na opisyales mula sa ibat ibang sektor ang turn over of command sa Camp General Navarro, Zamboanga City.
Matatandaang higit labing anim na buwan ring nagsilbi bilang commander ng 6th ID si Dela Vega at kabilang sa mga naging programa nito ang Balik Baril Program , RIDO Settlement at pagpapabalik loob sa gobyerno ng dating mga armado. , kabilang na rito ang mga myembro ng NPA at BIFF.
Sinasabing si MGen Cirilito Sobejana ng Joint Task Force Sulu ang papalit kay Dela Vega sa 6th ID.
GOOGLE FILE PIC