CGMA, tiwala sa diskarte ng Pangulong Duterte sa West Philippine Sea

Manila, Philippines – Tiwala si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Arroyo na nalalaman ni Pangulong Duterte ang gagawin sa isyu ng maritime space ng bansa partikular sa West Philippine Sea.

Ito ay kasunod ng paglalabas ng kopya ng primer ni Atty. Estelito Mendoza tungkol sa ocean and maritime space ng bansa na magsisilbing gabay sa paggiit ng karapatan sa exclusive economic zone.

Ayaw magbigay payo ni Arroyo sa dapat na gawin ni Pangulong Duterte dahil hindi naman niya alam ang buong detalye sa territorial dispute sa South China Sea o West Philippine Sea.


Bukod dito puro strategic ang paraan kaya masalimuot ito at hindi operational at tactical ang gagawin dito.

Alam din ng Pangulo na mas makakabuti ang pagpapalakas sa economic ties ng bansa at China upang mas mapangalagaan ang teritoryo ng bansa.

Paliwanag naman ni dating Executive Secretary Eduardo Ermita sa mga kumukwestyon sa Joint Marine Seismic Undertaking o JSMU na ginawa rin sa Benham Rise na ito ay pre-exploratory at research survey lamang at walang dapat ikapangamba ang publiko.

Panahon pa ng administrasyong Arroyo ng ginawa ang JMSU kaya payapa noon ang sitwasyon sa West Philippine Sea.

Dagdag naman dito ni Mendoza, hindi nga nagprotesta ang China sa Benham Rise dahil kinikilalang ito ay sakop ng Pilipinas.

Facebook Comments