Manila, Philippines – Naniniwala ang Constitutional Commission na mayroon pa ring pag-asa ang charter change o cha-cha sa Senado.
Ito ay sa harap na rin ng pahayag ni Senador Panfilo Lacson na patay na ang cha-cha sa Senado at naghihintay na lang i-cremate.
Ayon kay Constitutional Commission Spokesman Conrado Ding Generoso, tulad ng isang mythological creature phoenix na kapag namamatay ay nasusunog at nagiging abo at mula sa abo ay muli itong nabububay.
Dito inihambing ni Generoso ang cha-cha kung saan nanawagan ito sa taumbayan na tingnan ang mga benepisyo ng federal form of government.
Sinabi din nito na magpapatuloy ang kanilang mga pulong patungkol sa information dissemination para iparating sa taumbayan ang kahalagahan ng pederalismo.
Mangunguna aniya ang Presidential Communications Operations Office O PCOO at ang Department of Interior And Local Government o DILG sa information drive na popondohan ng 90 milyong piso.