Cha-Cha, hindi dapat gawin kung para lang sa kapritso o kagustuhan ng ilan

Para kay Senator Grace Poe, hindi dapat amyendahan ang Konstitusyon para lang sa kapritso o kagustuhan ng ilan, lalo’t pinangangambahan ngayon ang panghihimasok sa ating teritoryo sa West Philippine Sea.

Nag-aalala rin si Poe sa pakonti-konting revision sa ating Saligang Batas.

Giit ni Poe, dapat ay laging last resort ang Charter Change (Cha-Cha) dahil dapat ay rebisahin lang ito matapos dumaan sa mahigpit na pag-aaral para sa tamang dahilan.


Katwiran pa ni Poe, mayroon nang mga foreign investment measures na sinertipikahang urgent ng Pangulo ang inaaksyunan na ng Kongreso.

Pangunahing tinukoy ni Poe ang panukalang amendments sa Public Service Act na may mahusay na safeguards, ang panukalang pag-amyenda sa Foreign Investment Act at ang Retail Trade Liberalization Act.

Facebook Comments