Hindi kasama ang Charter Change (Cha-Cha) sa prayoridad na mga panukala ng pamahalaan matapos ang isinagawang Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC meeting.
Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, hindi napag-usapan sa LEDAC ang pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon kaya wala siyang nakikitang anumang rason para mag-focus dito.
Pero paglilinaw ni Villanueva, hindi naman pipigilan ang ilang senador sa pagsusulong ng Cha-Cha at tuloy pa rin naman ang komite na didinig sa panukalang Cha-Cha.
Sinabi ni Villanueva na ang marching orders ng liderato ng Senado ay iprayoridad ang pagpapatibay sa 12 panukalang batas.
Ang mga priority bills aniya na target ipasa ng Kongreso sa Hunyo ay ang mga sumusunod:
1. Amendments to BOT Law / PPP Bill
2. Medical Reserve Corps
3. Phil. Center for Disease Prevention and Control
4. Creation of the Virology Institution of the Philippines
5. Mandatory ROTC and NSTP
6. Condonation of Unpaid Amortization and Interests of Loans of Agrarian Reform Beneficiaries
7. Internet Transactions Act/E-Commerce Law
8. Maharlika Bill
9. Attrition Law / AFP Fixed-Term
10. Salt Industry Development Bill
11. Natl Employment Action Plan
12. Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP