Sa pagdinig ng Senate Committee on Constitutional Ammendments and Revision of Codes and Laws ay sinabi ni dating Supereme Court Justice Vicente Mendoza na hindi ngayong ang tamang panahon para sa Charter Change o Cha-cha.
Para kay Mendoza, mas dapat tutukan ng ating enerhiya at resources ang pagtugon sa COVID-19 at paghahanda sa 2022 national at local elections.
Ibinabala naman ni Constitutional Commission member Christian Monsod ang higit pang pagtindi ng katiwalian ng mga mambabatas kapag na-amyendahan nila ang economic provision sa Saligang Batas.
Ayon kay Monsod, maari itong pagkunan ng mga mambabatas ng salapi na mas malaki pa sa pork barrel dahil magiging daan ito para mapunta sa Kongreso ang kapangyarihan na asilin o bawasan ang constitutional limitations sa pagmamay-ari ng mga dayuhan ng lupain, likas na yaman, public utility, media, advertising at educational institutions.
Giit naman ni Senator Risa Hontiveros, malayo sa bituka ang Cha-cha kaya hindi dapat iprayoridad habang tumataas ang presyo ng bilihin, marami ang nawawalan ng trabaho, at nagsasara ang mga negosyo.
Ipinunto pa ni Hontiveros na angproblema ng bansa sa ekonomiya ay kailangan ng agarang tugon, kaya hindi praktikal na gumugol pa ng napakaraming oras para sa Cha-cha.
Maging ang Chairman ng komite na si Senator Francis Kiko Pangilinan ay kumbinsido rin na hindi napapanahon ang Cha-cha habang may pandemya at may krisis sa ekonomya.