Cha-Cha, hindi prayoridad ng administrasyong Duterte

Nanindigan ang Palasyo na nananatiling top priority ng administrasyong Duterte ay ang COVID-19 response at ang pagbibigay ng bakuna sa ating mga kababayan.

Reaksyon ito ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa harap narin ng muling paghahain ng resolusyon na mag convene ang 18th Congress bilang Constituent Assembly para amyendahan ang ilang economic provision sa ating konstitusyon o ang pagsasagawa ng Charter Change (Cha-Cha).

Bagamat inirerespeto ng Malakanyang ang naging hakbang na ito, nanindigan ang tagapagsalita ng Palasyo na ito ay sole constitutional prerogative ng Kongreso.


Paliwanag pa ni Roque, naging malinaw ang pahayag ng Pangulo na kapag natapos ang kaniyang termino sa June 30, 2022 ay agad syang bababa sa pwesto.

Facebook Comments