Cha-Cha, inilibing na ng administrasyong Duterte – Sen. Drilon

Inilibing na ng administrasyong Duterte ang panukalang Charter Change para bigyang daan ang pagpapalit sa porma ng gobyerno patungong federalism.

Ito ang malinaw para kay senate minority leader Franklin Drilon matapos ang ika-apat na State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi ni Drilon, ito ang mensahe ng hindi pagbanggit ni pangulong Duterte sa Cha-Cha sa kanyang SONA.


Dahil dito ay pinayuhan ni Drilon na mag-isip mabuti ang sinumang nagbabalak maghain ng panukalang Cha-Cha ngayong 18th congress.

Ayon kay Drilon, wala nang saysay ang anumang hakbang para mabago ang ating saligang batas dahil hindi na ito prayoridad ng administrasyon.

Facebook Comments