Cha-Cha, maaring gawing election issue

Sa tingin ni Senator Koko Pimentel, maaring gawing election issue ang panukalang Charter Change (Cha-Cha).

Ayon kay Pimentel, makabubuting tanungin ang mga kandidato sa 2022 elections kung ano ang kanilang posisyon sa mga isinusulong na amyenda sa konstitusyon.

Suhestyon ito ni Pimentel, sa harap ng pananaw ng mga legal expert at framer ng 1987 constitution na hindi ngayon ang tamang panahon para isagawa ang Cha-Cha.


Samantala, sa kabila ng mga pagtutol sa Cha-Cha ay determinado pa rin si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na isulong ang resolusyon nila ni Senator Francis Tolentino na nagsasaad ng mag-convene ang Senado at Kamara bilang constituent assembly.

Ito ay para ma-amyendahan ang ilang economic provision sa konstitusyon gayundin ang probisyon ukol sa partylist system.

Facebook Comments