Cha-Cha, malabong maisulong ngayon sa Kamara

Naniniwala ang liderato ng Kamara na malabong maitulak sa ngayon ang Charter Change (Cha-Cha).

Ito ang iginiit ni House Speaker Lord Allan Velasco kasabay ng pahayag na mas kailangan na mag-focus ngayon ang gobyerno sa efforts nito laban sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Velasco, kulang na sa oras at panahon para maitulak ang Cha-Cha lalo pa ngayong nahaharap sa pandemya ang bansa.


Kung siya mismo ang tatanungin ay nais niyang maitulak ang Cha-Cha lalo na sa pagre-review sa usapin ng term-limit ng mga kongresista na tatlong taon lamang kada termino.

Magkagayunman, kakausapin ni Velasco si Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa usapin ng pagtutulak sa Cha-Cha at kung ipag-utos nito na dinggin na ito sa Kamara ay kanila namang agad na gagawin.

Mababatid naman na kahapon ay kinansela muna ni Velasco ang lahat ng committee hearings ng Mababang Kapulungan upang i-review at iprayoridad ang mga legislative agenda ng Pangulo.

Facebook Comments