Manila, Philippines – Walang nakikitang dahilan si PDP-Laban President Senator Koko Pimentel para kwestyunin ang pagpili kay Communications Assistant Secretary Mocha Uson para tumulong sa pagpapaliwanag sa publiko ng charter change o cha-cha at federalism.
Sa Senado ay si Pimentel ang desidido sa pagsusulong na mapalitan ang porma ng gobyerno patungong federalism.
Para kay Pimentel, maganda ang pasya na mapasama si Uson sa grupo na magbibigay ng kaalaman sa mamamayan ukol sa federalism.
Diin ni Pimentel, isang napakatalinong desisyon na ang nabanggit na grupo ay pangungunahan pa rin ng mga miyembro ng consultative committee na syang bumalangkas sa draft ng federal constitution.
Facebook Comments