CHA-CHA | People’s initiative, inihain sa Kamara

Manila, Philippines – Inihain ni Deputy Speaker Raneo Abu ang panukala na magsisilbing enabling law para sa People’s Initiative bilang paraan ng pag-amyenda sa batas.

Bagama’t matagal nang nasa saligang batas ang People’s Initiative bilang isa sa Cha-cha mode pero sinabi ng Korte Suprema na kailangan nito ng enabling law.

Sa inihaing House Bill 5724 ni Abu, ang taumbayan ang may direktang desisyon para sa pagpanukala, pag-amyenda, pag-apruba o pag-reject sa isinusulong na Cha-cha.


Salig sa panukala ng Deputy Speaker, ang petisyon para sa amiyenda sa saligang batas ay isusumite sa Commission on Elections.

Ang COMELEC naman ang magsusuri at magdedeklara ng sufficiency ng petisyon at saka ito ilalathala sa pahayagan.

Kasunod nito, magtatakda ang COMELEC ng petsa para sa referendum o plebesito sa loob ng 60 hanggang 90 araw matapos sertipikahan ang sufficiency ng petisyon.

Maaaprubahan ang amiyenda sa saligang batas sa pamamagitan ng People’s Initiative kung mayorya ng mga bumoto sa plebesito ay papabor dito.

Facebook Comments