Manila, Philippines – Posibleng buhayin sa 18th Congress ang pag-amyenda sa Saligang Batas.
Hindi na naituloy na maisulong sa 17th Congress ang Charter Change o cha-cha matapos na upuan ng Senado.
Sa pagtitipon ng mga bago at re-elected na kongresista sa Malacañang Park, hiniling mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na trabahuin ang mga posibleng gawing amiyenda sa Saligang Batas.
Mismong si Marinduque Representative Lord Allan Velasco ang nanguna sa naturang pagtitipon, na inorganisa ni Davao City Representative-elect Paolo Duterte, para i-welcome ang mga bagong miyembro ng Kongreso.
Inaasahan na dahil bahagi ng legislative agenda ang cha-cha ay agad na tatalakayin ito pagkatapos ng SONA ng Pangulo sa July 22.
Facebook Comments