Manila, Philippines – Pinaliligawan ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang mga senador para matuloy na ang charter change.
Ayon kay Pimentel, kailangan makuha ni Arroyo ang loob ng mga senador na naghihinalang plano niyang maging prime minister sa ilalim ng proposed federal government.
Una nang sinabi ni Senador Panfilo Lacson na maaaring hakbang sa planong gawing prime minister si Arroyo ang pagtatalaga rito bilang House Speaker.
Naniniwala naman si Pimentel na malaki ang maitutulong ni Arroyo para maayos ang gulo ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nanawagan rin siya sa mga miyembreo ng PDP-Laban na huwag iwan ang partido.
Sa katunayan aniya ay bukas ang kanilang partido para makipag-alyansa sa ibang kaalyado ng Pangulo.