Muling binubuhay sa Kamara ang pagtalakay sa Charter Change.
Isinusulong ni Quezon Rep. David Suarez na muling talakayin ng Kamara ang chacha upang maisaayos ang Konstitusyon at mas matulungan ang bansa na makamit ang better normal.
Sa privilege speech ng kongresista, sinabi nito na ngayon pa rin ang tamang panahon para pag-usapan ang constitutional reform.
Paliwanag ng mambabatas, bagama’t kritikal na pag-usapan ang bagay na ito sa gitna ng pandemya gayundin kasunod ng naranasang mga kalamidad, naniniwala si Suarez na mas mabilis at maayos ang pagtapos sa krisis kung maitatama ang kakulangan ng sistema.
Tinukoy nito ang decentralization ng kapangyarihan mula sa national government patungo sa mga lokal na pamahalaan.
Marami aniyang mga Local Government Units (LGUs) ang hirap at humihingi na ng mas malaking pondo para matugunan ang mga programa laban sa pandemya.
Dahil dito, kinakailangan na aniyang maisabatas ang Mandanas ruling para tulungan ang mga lokal na pamahalaan at tiyaking ang Internal Revenue Allotment (IRA) ay magmumula sa lahat ng buwis sa gobyerno.