
May hinala ang Kabataan Partylist na ang nilulutong Charter Change o ChaCha ngayon ay plano umanong iregalo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na itataon sa kanyang nakatakdang State of the Address o SONA ngayong taon.
Sa pagkakaalam ng Kabataan Partylist, December 15 ng nakaraang taon ay sinimulan ng ikasa ang People’s Initiative para sa hangaring baguhin ang Saligang Batas.
Ayon sa Kabataan Partylist, base sa timeline ay lumalabas na target isagawa ang plebisito para sa ChaCha bago ang ikatlong SONA ni PBBM sa July 22.
Sabi ng Kabataan Partylist, ang pagkakataon para maisagawa ang Constituent Assembly ay mangyayari sa araw mismo ng SONA kung saan magko-convene ang mga miyembro ng Kongreso para sa isang joint session.
Bunsod nito ay nananawagan si Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel na huwag suportahan ang pag-amyenda sa konstitusyon dahil hindi naman ito ang tunay sa solusyon sa mga problemeng kinakaharap ng bansa.









