Chacha, target na aprubahan sa Plenaryo sa susunod na buwan

Susubukan ng Kamara na aprubahan na sa plenaryo sa Enero ang panukala na nagaamyenda sa Saligang Batas.

Ayon kay House Committee on Constitutional Amendments Chairman Rufus Rodriguez, ipepresenta ng kanyang komite ang report sa inaprubahang chacha sa pagbabalik sesyon sa January 20.

Paliwanag ni Rodriguez, mabilis ang proseso sa Kamara dahil mula 15th, 16th at 17th Congress ay paulit-ulit nang natalakay ang chacha.


Panahon na aniya na maaksyunan na ngayon ng Mababang Kapulungan ang charter change at maisumite ito sa Senado.

Sakali namang maaprubahan sa plenaryo ay sa Pebrero naman target na maisumite ng Kamara sa Senado ang chacha.

Ang chacha approval ay alinsunod na rin sa pakiusap at utos ng Pangulo na amyendahan ang Konstitusyon sa natitira nitong termino.

Paliwanag naman ni Rodriguez sa term extension sa ilalim ng chacha, hindi silang mga kasalukuyang opisyal ang makikinabang dito kundi ang susunod sa kanila sa 2022.

Facebook Comments