CHAIN OF COMMAND | AFP, nagpaalala sa mga sundalo

1911

Manila, Philippines – Nagbabala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa mga gumagawa ng intriga para sirain ang hukbong sandatahan.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na plano siyang patalsikin ng kanyang mga kalaban sa susunod na buwan.

Ayon kay AFP chief of staff, General Carlito Galvez – pinaaalahanan nito ang mga sundalo na huwag makisawsaw sa pulitika dahil sa konstitusyon dapat sila na maging tapat.

Ipinag-utos din niya ang pagsunod sa batas at chain of command.

Papanagutin ang sinumang lalabag, aalisin sa serbisyo at iimbestigahan.

Facebook Comments