Thursday, March 26, 2026

CHAIR ZUMBA PARA SA MGA DAGUPENONG SENIOR CITIZENS, ISINAGAWAKASABAY NG SOCIAL PENSION PAYOUT

Masiglang nakilahok ang nasa 675 senior citizens mula sa iba’t ibang barangay sa isinagawang Chair Zumba activity bilang bahagi ng programang pangkalusugan para sa mga nakatatanda. Kabilang sa mga nakiisa ang mga senior mula sa Bacayao Sur, Bacayao Norte, Lasip Chico, Caranglaan, Salisay, at Mangin na ipinakita ang kanilang aktibong pamumuhay sa pamamagitan ng ehersisyo.

Bukod sa naturang aktibidad, inaasahan natanggap ng mga benepisyaryo ng kanilang Social Pension (SOCPEN), na patuloy na ipinagkakaloob bilang tulong pinansyal sa mga kwalipikadong senior citizens. Layunin ng mga ganitong programa na mapanatili ang kalusugan at kagalingan ng mga nakatatanda, kasabay ng pagbibigay ng suporta mula sa pamahalaan.

Ipinapakita ng aktibidad ang patuloy na pagkilala at pag-aalaga sa sektor ng senior citizens, na nananatiling mahalagang bahagi ng komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments