Chairman at PNP Tumauini, Tutulungan ang Pamilya ng Batang Namatay na ‘Di Umano Inasikaso ng Ospital!

595

*Cauayan City, Isabela- *Nangako ang pinuno ng Barangay Cumabao, Tumauini na tutulungan ang pamilya ng batang namatay habang isinusugod sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City matapos na di umano’y tanggihan ng Isabela Provincial Hospital.

Sa personal na panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Arthur Ballesteros, nakahanda ang kaniyang pamunuan na magbigay ng tulong sa pamilya at para na rin sa pagkamit ng hustisya sa pagkamatay ng 11 taong gulang na si Andrea Taccad.


Giit ng Kapitan, hindi kabilang sa mga PUI o PUM ang naturang bata.

Ayon naman sa ama ng bata na si Ginoong Sonny Taccad, mayroon aniyang asthma ang anak at nang makaranas ito ng hirap sa paghinga ay agad na dinala sa isang clinic sa bayan ng Tumauini upang ipasuri at lumabas sa findings ng Doktor na mayroon itong severe Pneumonia.

Sa mismong araw din ng Martes, April 14, 2020 ay ni-refer ng doktor ang pasyente sa Provincial hospital subalit nang dalhin ito ng pamilya sa naturang ospital ay hindi umano inasikaso bagkus ay ipinaderetso sa CVMC kung saan nalagutan ng hininga ang bata.

Kaugnay nito, kung maihatid na sa huling hantungan ang bata ay aasikasuhin na ng pamilya ang kanilang reklamo upang makamit ang hustisya nito katuwang ang mga barangay officials at ng pamunuan ng PNP Tumauini.

Facebook Comments