Chairman, nakaligtas sa tangkang pagpatay matapos pumalya ang baril ng suspek

256

Masuwerteng nakaligtas sa tangkang pamamaril ang isang barangay chairman sa San Miguel, Manila kahapon, Mayo 20.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang biktima na si Hashim Amatonding, kapitan ng Barangay 648, habang ang suspek ay natukoy sa alyas na “Zaldy”, kapwa Muslim.


Ayon sa ulat, nilapitan umano ng suspek ang chairman saka biglang tinutukan ng baril, ngunit sumablay at hindi pumutok ang armas.

Nagawa pang makapagtago ni Zaldy bago tuluyang madakip ng pulisya.

Iniimbestigahan na ng MPD-General Assignment and Investigation Section ang nangyaring insidente.

Facebook Comments