Chairman ng Metro Manila Council, hindi pabor sa panukalang palabasin na ang mga batang nasa edad 10 taong gulang

Hindi pabor si Metro Manila Council (MMC) Chair at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez sa panukalang palabasin na ng bahay ang mga bata na na nasa edad 10 taong gulang pataas.

Ayon kay Olivarez, posibleng mahawa kasi ang mga bata kung papayagan na silang lumabas kahit pa kasama nila ang kani-kanilang mga magulang.

Aniya, maiging manatili pa rin sa napag-usapang edad na maaaring lumabas ng bahay upang hindi malagay sa panganib ang kalusugan ng mga bata nasa sampung taong gulang.


Kasunod nito, sinabi ni Olivarez na magkakaroon ng meeting ang MMC kasama ang mga medical expert sa Lunes at Martes upang talakayin ang nasabing panukala na para umano sa lalong paglago ng ekonomiya ng bansa.

Matatandaan na nagpasya ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na pwede nang lumabas ang mga nasa edad 10 hanggang 65 anyos sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) simula Pebrero 1.

Sa ngayon, ang mga residenteng 15 hanggang 65 anyos lamang ang papayagan na lumabas sa mga General Community Quarantine (GCQ) area tulad ng National Capital Region (NCR).

Facebook Comments