Chairman’s statement sa ASEAN leaders summit – tiniyak ng administrasyong Duterte na magiging patas at hindi pro-China

Manila, Philippines – Tiniyak ngayon ASEAN 2017 Director-Generalfor Operations Ambassador Marciano Paynor Jr. na magiging patas at interes nglahat ang itutulak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN Summit at hindi magiging pro-China.
Kasunod na rin ito ng mga negatibong komento matapos nalumabas na draft ng chairman’s statement kung saan napagkasunduan na hindi isasma ang arbitral ruling na pumapabor sa Pilipinas laban sa China.
Ayon kay Paynor, hindi “confrontational” o palaban ang estilo ni Pangulong Duterte kundi paghahanap ng pinakamainam na solusyon sa South China sea dispute.
Kasabay nito, inihayag naman ni Foreign Affairs Spokesman Rob Bolivar na hindi pa pinal ang chairman’s statement.
Sa Sabado, Abril 29 ilalabas ang chairman’s statement napangungunahan ng Pangulong Duterte, pagkatapos ng ASEAN Leaders Summit.

Facebook Comments