LAOS – Pormal nang tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Chairmanship sa ASEAN at pagiging host ng ASEAN Summit sa 2017.Ginawa ang seremonya sa National Convention Center ng Laos, matapos ang pormal na pagtatapos ng Asean Summit 2016.Sa nasabing programa, ibinigay ni Laos President Bounnhang Vorachith kay Pangulong Duterte ang isanggavelbilang simbolo ng ASEAN Chairmanship.Sa kanyang mensahe, inimbitahan ni Pangulong Duterte ang kanyang kapwa lider at iba pang stakeholders na pumunta sa Pilipinas at maki-isa sa ASEAN Summit 2017 na may temang “Partnering for Change, Engaging with the World”.Sinabi pa ng Pangulo na lalong naging makabuluhan ang pagho-host ng Pilipinas dahil sa susunod na taon, ipagdiriwang ang ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN kung saan isa ang bansa sa mga founders ng organisasyon.
Chairmanship Sa Asean 2017, Tinanggap Na Ni Pangulong Duterte
Facebook Comments