
Matapos i-anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., agad na sumabak sa trabaho ang Independent Commission for Infrastructure na mag-iimbestiga sa mga anomalya sa infrastructure project ng gobyerno, partikular ang flood control control projects.
Pinangunahan ni Court of Appeals Justice Pedro Corales ang oath taking ni ICI Chairperson Andres Reyes Jr., at mga commissioners na sina dating DPWH Sec. Rogelio Singson at SGV and Co. country managing partner Rossana Fajardo.
Dumalo rin sa seremonya si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na tatayong Special Adviser ng komisyon.
Sa bisa ng Executive Order No. 94, inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ICI na silipin at mangalap ng mga ebidensya at impormasyon sa anomalya sa flood control at iba pang kahalintulad na mga proyekto ng gobyerno.
Magrerekomenda ito ng ihahaing mga kaso sa Office of the Ombudsman, Department of Justice, Civil Service Commission (CSC), at iba ang competent bodies kaugnay ng isyu.
Magpapanukala rin ito ng nararapat na mga hakbang para matiyak ang transparency at accountability sa mga programang pang-imprastraktura.









