Napuno ng mga chalk street art ang ang harapan ng Cagayan Museum at Historical Research Center kahapon, Oktubre 23, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng League of Indispensable Neo Youth Artists na kinabibilangan ng mga student artist mula sa University of St. Louis, St. Paul University Philippines, at Cagayan National High School at mga iba pang art enthusiasts.
Iba’t ibang artwork ang ginuhit sa kalsada gamit lamang ang makukulay na chalk.
Kahit ang mga non-artist ay nakibahagi rin sa aktibidad.
Ito ay bahagi pa ng pagdiriwang ng Museum and Galleries Month ngayong buwan na inilunsad ng League of Indispensable Neo-youth Artists katuwang ang Cagayan Museum.
Ang naganap na chalk street art ay bukas sa publiko at libre ang mga ginamit na materyales.
Facebook Comments