Kakaibang wedding proposal ang ginawa ng isang 23-year old Chinese woman sa kanyang boyfriend for 3 years
Ginanap ito sa Fuxi Mountain Skywalk, isang horseshoe-shaped glass bridge na may taas na 360 meters mula sa ground.
Sabi ni Xiao Jing – duwag at may fear of heights si Xiao Yu at gusto niyang ma-conquer ito ng kanyang boyfriend bago niya ito pakasalan.
Kung magawa raw ni Yu ang hamon, mas mapapatunayan nito ang pagmamahal ng kanyang boyfriend sa kanya.
At para mas ma-motivate – bukod sa “I do”, makukuha rin ni yu ang isang brand new SUV at 14,500 us dollars (P775,315) na cash bilang premyo na kasama niyang nag-aambang sa dulo ng glass bridge kung saan siya nakasuot ng wedding dress.
Pero ang nakakalungkot dito, kahit inaalalayan na si Yu ng kanyang mga kaibigan para makapaglakad sa glass bridge, hindi man lang siya nakarating kahit sa gitna at tuluyan nang sumuko sa hamon.
Dahil dito, makikipag-break na raw si Jing Kay Yu.