Kinumpirma na ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang ‘change of leadership’ na magaganap mamaya sa sesyon ng Senado.
Sa ipinadalang mensahe ni Villanueva sa mga kasamahang mambabatas, ipinost niya ang agenda ngayong araw sa sesyon at dito ay nakalagay ang pagbabago sa liderato o pamunuan ng Mataas na Kapulungan.
Sa agenda ay nagpasalamat si Villanueva sa “trust and confidence” na ibinigay sa kanya ng mga kapwa senador sabay ng kanyang pamamaalam sa mga ito.
Habang si Senate President Juan Miguel Zubiri naman ay magbibigay ng kanyang speech sa sesyon na inaasahang patungkol sa pagpapalit ng Senate leadership.
Sa pahayag naman ni Senator Sonny Angara, mayroon na silang 15 senador na papabor sa pagpapalit ng liderato.
Hindi pa kumpirmado pero naging maugong na papalit sa posisyon ni Zubiri bilang Senate President si Senator Chiz Escudero, habang ang sinasabing papalit kay Villanueva ay si Senator Francis Tolentino.
Si Senator Jinggoy Estrada naman ang matunog na papalit kay Senator Loren Legarda bilang Senate President pro tempore.