CHARGING STATION PARA SA MGA E-VEHICLE, ILALAGAY SA PANGASINAN CAPITOL GROUNDS

Magkakaroon na ng electric vehicle (EV) charging stations sa loob ng Pangasinan Capitol grounds bilang bahagi ng pagsusulong ng green mobility at sustainable transportation system sa lalawigan.

Ito ay kasunod ng paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan at ng isang pribadong energy corporation.

Sa ilalim ng kasunduan, dalawang Level 2 EV charging stations ang ilalagay sa loob ng Capitol grounds upang magsilbing suporta sa lumalawak na paggamit ng mga electric vehicle.

Bahagi rin umano ang proyekto ng mas malawak na inisyatiba na palawakin ang EV charging infrastructure sa iba’t ibang bayan sa Pangasinan, bilang hakbang sa pagbabawas ng carbon emissions at pagtataguyod ng mas malinis at makakalikasang transportasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments